Connect with us

History

TODAY IN HISTORY MAY 19, 1743: NAIMBENTO ANG CELSIUS THERMOMETER

Published

on

May 19, 1743, mahigit dalawang daang taon na ang nakililipas, nang maimbento ng French physicist, mathematician, astronomer and musician na si Jean-Pierre Christin ang Celsius thermometer.

Bago pa maimbento ang Celsius thermometer, nauna nang ginagamit ang alcohol thermometer ni René Antoine Ferchault de Réaumur simula pa noong 1730. Ang thermometer na ito ni de Réaumur ay may applied graduation na nahahati sa 80 parts, kung saan ang melting point umano ng tubig ay -0º- at ang boiling point ay -80º.

Sa patuloy na pag-e-eksperimento naman ni Christin, napag-alaman niyang mas mainam ang mercury thermometer.

Iminungkahi rin ni Christin na baguhin ang Celsius thermometer scale sa nakasanayang  boiling point at freezing point. Ayon sa kaniya, mas akma na ang boiling point ng tubig ay 100 degrees at 0 degrees ang freezing point. Ito na ang naging batayan at siyang ginagamit hanggang sa kasalukuyan.