History
TODAY IN HISTORY MAY 6, 1998: INILABAS SA PUBLIKO ANG iMAC G3 ALL-IN-ONE COMPUTER
Taong 1998, kababalik pa lang ni Steve Jobs sa Apple nang ipakilala ang iMac G3 computers. Sinong mag-aakala na ang itinuturing na “halimaw” sa larangan ng computers ay ilalabas kasabay ng pagbabalik ni Jobs sa kumpaniyang minsan na siyang sinisante.
Ang iMac ay ipinakilala sa publiko noong May 6, 1998. Ito ang kauna-unahang computer na may USB ports. Kilala rin ito bilang “All in one” computer. May CD drive sa harap, may USB port sa gilid, at may built in speakers.
May kamahalan ang iMac G3 computers. Sa halagang $1,299, tinaningan ni Jobs na tatangkilikin lamang ito ng mga consumers within 90 days. Pero umabot nang limang taon bago itigil ang produksyon ng G3 at maging officially discontinued product.
Ang kumpaniyang noon ay nagpatalsik kay Jobs ang siya ring nagpabalik sa kaniya. Papalugi na noon ang Apple at ang pagbabalik na ito ni Jobs ang siyang nagsalba sa kumpaniya.