Connect with us

History

Today in PH History – Death of Carlos V. Ronquillo

Published

on

Noong Oktubre 18, 1941, pumanaw sa edad na 74 ang kalihim ni Hen. Emilio Aguinaldo na si Carlos V. Ronquillo

Ipinanganak at lumaki si Ronquillo sa Kawit, Cavite  at kinalauna’y naging taga-tala ng mga pangyayari noong panahon ng rebolusyon. 

Noong December 15, 1987, matapos lagdaan ni Aguinaldo ang kasunduan sa Biak-na-Bato, pumunta siya sa Hongkong para sa isang voluntary exile. Sumunod naman doon si Ronquillo at sinamantala ang paglalagi sa British Crown Colony para mag-aral ng Inggles.

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay itinalaga siyang major sa revolutionary army.  Naging Military Aide siya ni Heneral Daniel Tirona, commander ng mga ekspedisyong militar sa Cagayan Valley.

Nang mapasailalim ng mga Amerikano ang Cagayan, bumuo si Ronquillo ng sarili niyang pangkat ng gerilya ayon na rin sa utos ni Hen. Aguinaldo.

Subalit, nakulong siya ng apat na buwan noong 1990 nang mahuli siya ng mga Amerikano sa isang labanan sa Cordillera Mountains.

Nakulong pa siya ng dalawang beses matapos noon.  Una ay noong Abril 16, 1903 dahil sa pagtanggi na isuko ang watawat ng Plipinas na ginagamit ng kanyang batalyon sa Cagayan.  Nakulong siya sa ikalawang pagkakataon nang sumunod na taon, Marso 18, dahil sa pagsasabit ng watawat ng Pilipinas.

Noong mga panahong iyon kasi, bawal ang magsabit ng watawat.  Natigil lang ang pagbabawal nang pinawalang bisa ng Philippine Legislature  ang Flag Law noong 1919. 

Si Ronquillo bilang manunulat

Si Ronquillo ay mahusay sa pagsulat sa Inggles at Espanyol.  Nagsimula siyang magsulat sa isang pahayagang Espayol na La Verdad (The Truth). Naging patnugot din siya ng Muling Pagsilang, ang Tagalog section ng El Renacimiento (The Rebirth) noong 1905-1910.  Siya din ang editor ng Taliba (The Sentinel), isa sa mga TVT Newspapers (Tribune, Vanguardia, and Taliba).  Marami rin siyang isinulat na mga libro. 

Ilan sa mga akda nya ay ang Ilang Talata Tungkol sa Paghihimagsik nang 1896-97; Bagong Buhay o mga Katutubong Karapatan ng mga Manggagawa sa Harap ng Wagas na Matwid; Mga Kakanang Bayan; Hiwaga ng Puso: Alaala sa Nagdaan; Mga Kantahing Bayan: Matatandang Tula. 

Continue Reading