Connect with us

History

#TodayInHistory | Disyembre 6, 1735 – ISINAGAWA ANG KAUNA-UNAHANG OPERASYON Sa APENDIKS

Published

on

Nakalunok ng isang aspile ang 11-taong gulang na lalaki kaya nabutas ang kanyang apendiks, isang maliit na hugis uod na parte ng katawan na nakadikit sa gilid ng malaking bituka ng tao.

Dahil dito, agad na inoperahan ni Dr. Claudius Amyand ang bata noong ika-6 ng Disyembre, 1735 sa St. George’s Hospital sa London.

Hindi pa nadedebelop ang anesthesia noong mga panahong  iyon kaya’t kinailangan ang tulong ng maraming tao upang pigilang kumawala ang pasyente na siguradong nakakaramdam ng matinding sakit habang isinasagawa ang operasyon.

Simula nang maitala ang apendiks sa annals of medical literature, naging palaisipan na ito sa mga eksperto.  Bagama’t tumutubo ito kasama ng iba pang parte ng katawan,  hindi pa rin matukoy kung ano ang silbi nito sa tao.  Gayunpaman,  maaari itong mamaga at magdulot ng iba pang malalang karamdaman.

Taong 2007 lamang nang maglabas ang mga mananaliksik ng posibleng silbi ng apendiks.  Ito  umano ang nagsisilbing taguan ng mga mahahalagang mga bacteria na inilalabas kung sakaling mawalan ng beneficial gut flora ang  gastrointestinal tract ng tao.

Patuloy na pinag-aralan ng mga eksperto ang pinakaepektibong paraan ng pag-oopera sa apendiks at naging posible ito dahil sa bagong mga surgical technique at pagkakadebelop  ng anesthesia.

Sa huling bahagi ng ika-20 siglo, napalitan na ng laparoscopic surgery ang tradisyunal na open surgery.

Ang Laparoscopic surgery ay ang pag-oopera sa pamamagitan ng paggawa ng maliit na hiwa sa katawan. Ipapasok sa butas ang maliit na tubo ang mga gamit sa pag-opera at isang tubo na may camera upang makita ng surgeon ang kanyang ginagawa.  Sa ngayon, ito ang itinuturing na pinakaligtas na surgical porcedure.  Mababa din ang bilang ng kumplikasyon sa procedure na ito dahil maliit lamang ang sugat ang madali itong maghilom.

Continue Reading