TODO Espesyal
12-Taong gulang na Boy Scout, kinagat ng Black Bear habang nagka-camping sa New York
Nagpapagaling na ang isang 12-taong gulang na Boy Scout matapos kagatin ng isang black bear habang nasa camping sa New York.
Nagka-camping umano sa Tom Jones Shelter in Harriman State Park ang tropa ng mga Boy Scout mula Cooperstown nang sa kalagitnaan ng gabi ay lumapit ang isang black bear.
Binasag ng hiyaw ng batang si Henry Ayers ang katahimikan ng gabi nang magising siya dahil sa matinding sakit.
“I felt a really quick, sharp sensation, a pain in my leg,” kwento ni Ayers.
Nang tumingala umano siya ay saka niya nakita ang malaking oso.
“I look up, and it was a giant bear. I thought it was a nightmare. It was honestly crazy I didn’t think I was awake,”dagdag ng bata.
Bagamat nasa labas ang oso at natutulog sa loob ng tent ang boy scout, tumagos umano ang ngipin ng hayop sa materyal ng tent.
Sabay na nagsigawan ang mga bata kung kaya’t nagulat ang oso na agad lumayo.
Naniniwala ang chaperone ng mga Boy Scouts na si Scoutmaster Diana Nicols na lumapit sa mga tent ang oso upang maghanap ng pagkain, bagay na sinang-ayunan ni Ayers.
“I left some of my food in my bag and spilled some on my leg and it was also other people that left a lot of trash around,” aniya.
Maswerteng hindi malala ang naging pinsala kay Ayers. Agad siyang nilapatan ng lunas at tinurukan ng antirabies.
Inilikas din ang mga Boy Scouts sa isang shelter structure sa campsite at pansamantalang isinara ang Tom Jones Shelter.
Inireport ang insidente sa Department of Environmental Conservation at napagpasyahang ipapatay ang oso ilang araw matapos ang pangyayari.
“The bear’s dangerous behavior demonstrated habituation to human presence, persistence seeking food near humans, and a clear threat to human safety,” pahayag ng New York State Parks at New York State DEC sa kanilang joint statement. |Glesi Lyn Sinag #RadyoTodo #FeatureNEWS
Para sa iba pang balita, bisitahin www.radyotodo.ph