TODO Espesyal
$2 million, para sa pagsinghot ng kili-kili at paa
Sinong mag-aakala na maaaring kumita ng aabot sa $2 million kada taon, sa pagsinghot kili-kili at paa ng ibang tao. Ito ang trabaho ng mga deodorant testers.
Sila ang mga naatasang sumuri sa mga deodorants bago it i-mass produce.
Ang isang deodorant tester ay maaaring kumita ng hanggang $2.7 million sa isang taon o humigit kumulang $225,000 o PhP 11,250,000 kada buwan (kung ang palitan ng piso sa dolyar ay P1 = $50).
Maaari sigurong ipagpalagay na ang mga deodorant testers ay may kakaibang fetish sa sa kili-kili at paa. Pero ayon sa isang senior member ng research staff ng Princeton Consumer Research, nakakailang umano ang ganitong klase ng trabaho.
Ano nga ba ang trabaho ng isang deodorant tester? Sa mga pagsusuri na isinasagawa ng Princeton Consumer Research, ang mga cosmetic companies ay magpapadala ng 10 iba’t-ibang klase ng deodorant products na may iba-iba ring strengths and concentrations.
Ipapahid ang deodorant sa kili-kili o paa ng subject. Saka sisinghutin ng deodorant tester ang kili-kili o paa gamit ang isang paper cone na idinidikit sa balat ng taong gumamit ng deodorant.
Pagkatapos ng singhutan at langhapan, ire-report nila ang kanilang findings gamit ang 0-10 scale – 0 bilang pinaka mahinang amoy at 10 sa pinakamatapang na amoy.
Source
www.lucisphilippines.press