Connect with us

TODO Espesyal

3-ANYOS NA BATANG BABAE, PATAY NANG MABULUNAN NG JELLY CANDY

Published

on

Photo| Unsplash

Isang babala para sa ibang magulang na may maliliit pang anak ang sinapit ng isang 3-anyos na batang babae na pumanaw makaraang mabulunan ng kinaing jelly candy sa Gabaldon, Nueva Ecija.

Tumanggi na magpaunlak ng panayam ang mga magulang ng biktima pero paborito raw ng batang si “Angel” di niya tunay na pangalan, ang naturang candy na binibili ng kanyang ina.

Pero kamakailan lang ay bumara ito sa kanyang lalamunan na sanhi ng kanyang pagpanaw.

Nagbigay payo ang duktor kung ano ang dapat gawin sa mga taong nabulunan at nahihirapang makahinga.

Una, suriin ang bunganga at huwag sungkitin kung sakaling malalim na ang nakaing bagay.

Kung ang biktima ay isang-taong-gulang pababa, gawin ang “back blows,” o nakadapa ang pasyente habang tinatapik ang likod.

Kung hindi pa rin maalis ang nakabarang bagay, gawin ang “abdominal thrust” pero nakatihaya ang bata habang kalong.

Sa ganitong paraan, maingat na dinidiin ang ibabang bahagi ng rib cage ng sanggol.

Samantala, kung edad dalawa pataas naman ang nabulunan, gawin ang “abdominal thrust.” Pero sa pagkakataon ito, nakatayo ang pasyente, habang nakayakap mula sa likod ang taong tumutulong sa kaniya.

Ilalagay ng taong sumasagip ang isa niyang kamay na nakasara, at itutulak ng isa pang kamay papasok sa sikmura para maisuka ng biktima ang nalunok na bagay.

Dapat itong gawin ng hanggang tatlong beses at kung hindi natanggal ay maigi nang dalhin ang pasyente sa ospital.

Source|GMA News

Continue Reading