Connect with us

TODO Espesyal

ANAK NG ISANG FRONTLINER PINANGALANANG “JOHN COVID”

Published

on

Isa na namang sanggol ang isinilang na pinangalanan umano kasunod ng nararanasang pagkalat ng coronavirus sa bansa.

Sa isang bayan sa La Carlota City, pinangalanan ang sanggol na lalaking si John Covid Castillon. Ang ama ni John Covid ay isang pulis kung saan nakadestino ito sa Bacolod City Police Office (BCPO) Police Station 6 at isa namang part-timer teacher sa La Carlota City College ang ina nito.

Bagamat pinangalanan ang sanggol sa COVID pandemic ay mayroon namang eksplinasyon ang ama nito. Aniya, ang John ay nakuha sa bibliya na ang ibig sabihin ay ‘glorious and merciful’ habang ang COVID naman ay kinuha sa ngayong nararanasang pandemic kung saan maging simbolo ito nang pagsusumikap at pagiging matatag ng kanilang anak sa kabila ng COVID crisis.