Connect with us

TODO Espesyal

BABAE NA NAGDAMIT PANLALAKE SA PICTORIAL, TINANGGALAN NG LITRATO SA HIGH SCHOOL YEARBOOK

NAPAASA: Idinaan ni Holley Gerelds sa pag-post sa Twitter noong ika-16 ng Agosto ang pagpapahayag ng pagkadismaya sa hindi pagkakalagay ng kanyang litrato sa kanyang High School yearbook. Aniya, dahil daw ito sa suot nya na taliwas sa nakasaad sa alituntunin ng paaralan.

Published

on

Kuha ni Holley Gerelds na naka-tuxedo. Litrato mula sa https://www.buzzfeednews.com/article/juliareinstein/high-school-yearbook-grad-lesbian-tuxedo-lgbtq-alabama

Sanay si Holley Gerelds na nagsusuot ng damit panlalaki sa eskwelahan.  Kaya nang mag-pictorial ang Springville High, Alabama para sa kanilang Senior High School yearbook, hindi siya nag-alangan na magsuot ng tuxedo.  Taliwas ito sa itim na velvet drape na karaniwang isinusuot ng mga babaeng magtatapos sa kanilang paaralan.

Ito ang nakita ni Holley Gerelds nang buksan ang kanyang kopya ng yearbook. Ang larawan ay hango sa https://twitter.com/holley__g/status/1162094342133157889

“I’ve worn suits for as long as I can remember. I wear them to school,” pahayag ni Gerelds sa isang panayam sa BuzzFeed News. “I’ve always worn masculine clothing, it’s just what I’m more comfortable in and I feel like it expresses me more.”

Ayon pa kay Gerelds, maayos naman siyang nakunan ng litrato kaya nagbayad na siya ng para sa litrato, at pagpapa-print ng yearbook. Ngunit napagtanto ni Gerelds na hindi niya nagustuhan ang una niyang mga kuha kaya bumalik sya para magpakuha ulit. Gaya ng dati, naka-tuxedo pa rin siya. Kaya lang, nang dumating sya, ayaw na syang kunan ng photographer hangga’t hindi siya magsuot ng drape.

“I was under the impression that my picture would be in the yearbook. No one told me I couldn’t wear the tux until I went to retake my pictures in the fall.”

Binawi niya ang kanyang pinambayad sa litrato at umalis. Kaya nang sa pagbukas niya ang yearbook, hindi na siya nagulat nang makita na wala siyang litrato at nakalagay siya sa bahagi ng yearbook kung saan inilalagay ang mga “not pictured” o mga hindi nakunan ng litrato. 

Ikinlaro ni Gerelds na hindi siya galit dahil sa hindi siya kinunan ng bagong litrato, bagkus, ito ay dahil sa diumano’y hindi pagtanggap ng paaralan sa nauna niyang mga kuha kung saan siya ay nakadamit panlalaki. Ito aniya ang unang pagkakataon na nakaranas siya ng diskriminasyon dahil sa kanyang kasarian.

Nakarinig na daw siya ng bulung-bulungan na baka hindi isama ang kanyang litrato sa yearbook, ngunit wala naman daw siyang natanggap na opisyal na pahayag ng paaralan kaya labis niyang ikinalungkot ang nangyari. 

 “I know that’s kind of shocking to some people because I live in the Deep South in the Bible Belt, but other than a few dirty looks when I go out, I’ve never received any discrimination or hate from my school or my city or even the state of Alabama as a whole,” sabi ni Gerelds.

Nag-tweet si Gerelds tungkol sa nangyari, at umani ng maraming batikos ang paaralan dahil dito.

Isang netizen ang nag-post: “It is so sad that in 2019 a PUBLIC high school thinks it’s okay to discriminate against an LGBT student like this. Shame on you, Springville High School in Alabama.”

Agad na naglabas ng pahayag ang paaralan kaugnay nito.  Ayon kay Superintendent Mike Howard ng St. Clair County Schools, ang pagkuha sa mga litrato noong nakaraang taon ay alinsunod sa matagal nang ipinapatupad na mga panuntunan.

“We are in the process of re-evaluating those guidelines to consider what changes, if any, need to be made.” ani Howard.

Sinabi rin ni Howards sa BuzzFeed News na ipapa-print uli nila ang pahina ng yearbook kung saan orihinal na nakalagay si Gerelds.  Sisiguruhin din daw na tama na ang spelling ng apelyido ni Gerelds. Malibang ditto, isasama din ang litrato ni Gerelds sa composite photograph ng buong graduating class, na isasabit sa mga dingding ng paaralan alinsunod sa kanilang tradition.

“I can confirm that the composite photograph of the Springville High School Class of 2019 will include all students that participated in the senior portrait process, regardless of their choice of attire,” ayon kay Howard.

Naging masaya naman daw si Gerelds sa naging aksyon ng paaralan. “I guess it’s enough for me personally because I just wanted to be in the yearbook with my classmates and to be on that wall, but it’s not enough if it happens to someone else,” sabi niya. “That’s why I’m happy to be speaking out about it — because I don’t want anyone else to go through this.”

Hindi naman daw masama ang loob nita sa kanyang paaralan at bayan, maging sa mga taong responsible sa pagkakatanggal ng litrato niya sa yearbook.

“I still have a lot of love for my town, I still love my high school, I love all of the teachers, and honestly I really do respect the person in charge of the yearbook and my principal and everyone,” sabi niya.

“So yes, it wasn’t fair to me and it was very shocking, but I have no hard feelings and I know they have no hard feelings.  I’ll always remember high school as a great experience.”pahayag ni Gerelds.