TODO Espesyal
Babae, nagpakalat ng nudes kapalit ng $10 para sa Australian bushfire
Nakalikom ng halos $500,000 ang isang instagram model matapos magpakalat ng kanyang mga nakahubad na larawan kapalit ng $10 bilang tulong sa patuloy na wildfire sa Australia.
Inanunsyu ni Kaylen Ward, 20, sa kanyang twitter account na ‘The Naked Philanthropist’ na magpapadala siya ng kanyang mga naked photo sa kung sino man ang may patunay na nagdonate sila ng $10 sa mga organisasyon na tumutulong sa nagaganap na bushfire.
“I’m sending nudes to every person who donates at least $10 to any one of these fundraisers for the wildfires in Australia. Every $10 you donate = one nude picture from me to your DM. You must send me confirmation that you donated.” saad sa post.
Umabot ng 66.9K ang retweets ng kanyang tweet kaya’t kinailangan pa niyang mag-hire ng apat na iba pa para i-check at i-verify ang mga donasyon.
Sa kabila nito ay, sinuspinde ng Instagram ang kanyang account dahil nilabag niya aniya ang guidelines ng naturang social media.
Itinanggi naman ng model na mayroon siyang nilabag na batas dahil sa kanyang ibinahaging screenshot ay sinabi ng Instagram na nagpost siya ng “sexually suggestive content”.
Matapos na mag viral ay nag tweet si Ward na hindi na sya kinausap ng kanyang pamilya at boyfriend.
“My IG got deactivated, my family disowned me, and the guy I like won’t talk to me all because of that tweet. But fuck it, save the koalas,” aniya.
Sinabi pa ni Ward na naranasan na rin niyang mag evacuate dahil sa bushfire na nangyari noong nakaraang taon sa California.