TODO Espesyal
Bagong paraan ng pamamalimos, cashless transaction na
Napamangha ang mga netizens ng isang ginang sa China dahil sa kaniyang paraan ng pamamalimos. Tumatanggap siya ng limos “through cashless transaction.”
Nag-viral ang Facebook (FB) post ni Fazil Irwan, kung saan isang matandang babae ang nanghingi ng limos sa kaniya. Ayon kay Irwan, sinabi niya sa matanda na wala silang dalang pera. Nagulat umano sila nang sabihin nitong i-scan na lamang nila ang dala niyang QR code upang magkaroon siya ng pera. Hindi naman nag-atubili ang kasama ni Irwan na i-scan ang QR Code upang magbigyan ng pera ang matanda.
Pahayag ni Irwan sa kaniyang FB post, “In my previous post, I spoke about how almost everything is transacted through WeChat in China. It so happened that some of our friends went for dinner and a beggar on the road asked for money. One of our friends told the beggar that she didn’t have cash. The beggar said it’s ok, you can pay through WeChat. And that’s what she did.”
Dahil sa kakaibang paraan ng pamamalimos na ito sa China, samu’t sari ang naging reaksyon ng mga netizens. Umani ng humigit-kumulang 2,300 reactions at 11,000 shares ang FB post na ito.
Source:
https://news.definitelyfilipino.net