TODO Espesyal
Bata, ginupitan ng ‘Covid hairstyle’ ng kanyang ama para di lumabas ng bahay
Kakaiba ang naging diskarte ng isang Pilipinong ama para mapanatili sa loob ng kanilang bahay ang kanyang anak sa kasagsagan ng coronavirus pandemic.
Laganap na sa buong mundo ang COVID-19 at apektado na rin dito ang Pilipinas, kaya naman striktong ipinapatupad ang enhanced community quarantine at social distancing.
Mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng bahay lalo na ng kabataan kaya’t hirap din ang mga magulang na papanatilihin sa loob ng bahay ang kanilang mga anak.
Dahil dito, kanya-kanya naman sa pag-isip ng solusyon ang mga nanay at tatay.
Nitong nakaraang linggo, nag-viral sa social media ang larawan ng isang ama at kanyang anak na umiiyak dahil sa kanyang kakaibang hairstyle na tinawag ng ibang netizens na ‘covid hairstyle’.
Lumalabas na hindi pala nakikinig ang bata sa kanyang ama at patuloy sa paglabas ng bahay kaya’t imbes na pagalitan o bigyan ng parusa ay ginupitan nito ang kanyang anak.
Makikita sa larawan na hindi masaya ang bata sa kanyang bagong gupit at nakangiti naman ang kanyang ama na mukhang nasiyahan sa kanyang ginawa.
Ang larawan ay pinost ng kanyang nakatatandang kapatid na babae kalakip ng paliwanag kung anong nangyari sa buhok ng kanyang kapatid.
“Iho pinag-iingatan ka lamang ng iyong tatay para hindi ka lumabas ng bahay para sa home quarantine, yan nagging fashion covid hairstyle ka tuloy ngayon,” komento ng isang netizen.
“Ikaw ang unang covid-19 style sa buhok mo nay an, sana all tatay ganyan,” saad pa ng isang facebook user.
Noong 2015, naging headline rin ang isang Atlanta barber sa pagdisiplina ng isang pasaway na bata sa pamamagitan ng paggupit nito ng “old bald man” look.
SOURCE: https://www.lucisphilippines.press/2020/03/coronavirus-father-gives-son.html