TODO Espesyal
Batang iisa ang paa, naglalakad ng 4km araw-araw para makapasok sa paaralan, hiling na magkaroon ng artificial leg
Palagi natin naririnig na ang edukasyon ay ang tanging kayamanan na hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay sa mundo at walang sinuman ang makakakuha nito mula sa atin.
Naniniwala din ang karamihan na ang edukasyon ay isang susi para makaahon mula sa kahirapan ng buhay.
Kamakailan lamang ay nag-viral ang batang babae sa pagiging porsigido nito para makapagtapos sa pag-aaral kahit na hirap itong makapaglakad dahil ipinanganak siyang iisa lang ang binti.
Ngunit sa kabila ng kanyang kalagayan, hindi nito naging hadlang para mawalan ng pagasa na abutin ang kanyang pangarap.
Kinilala ang Grade 6 student na si Jean Arija Daipal, tubong Toboso, Negros Occidental at pangarap nitong maging isang doctor balang araw para makatulong sa mga taong may kapansanan tulad niya.
Sa isang Facebook post na ibinahagi ng isang school Principal na si Junar T. Mahilum, lubos ang paghanga niya kay Jean dahil sa ipinapakita nitong determinasyon para makapagtapos sa pag-aaral sa kabila ng kanyang kapansanan.
Ayon sa post ni Mahilum, naglalakad ng apat (4) kilometro araw-araw si Jean upang makapasok at matuto sa kanilang paaralan, kung kaya naman madami ang humahanga sa ipinapakitang determinasyon ng batang ito.
Hiling naman ni Jean sa araw ng kanyang graduation na sana balang araw ay magkaroon siya ng isang artipisyal na paa upang makapaglakad ng mas maayos pag papasok sa kanyang paaralan.
Inaasahan ni Principal Mahilum sa mga netizen na i-share sa social media ang kwento ni Jean upang matulungan siya lalo na sa kanyang kahilingan na artipisyal na paa.
Basahin ang buong Facebook post ni Principal Mahilum sa ibaba:
“I Am So Touched Upon Seeing This Young Little Girl As A Graduate For This School Year…She Needs To Handle Everyday, More Or Less 2 kms. Walking Terrain Just To Reach School.(more or less 4 kms. jud kay papuli pa.
I Really Appreciate Her Perseverance And Dedication Just To Finish Her Education..Imagine, That is For 6 Long Years and That is Everyday. We Awarded Her For Her Efforts And Determination To Finish Her Studies In The Lower Grades Besides Her Disability When I Was Designated As The OIC/TIC Of The School. And I Knew That She And Her Parents Were Inspired Of That Aknowledgement… I Am So Happy For Her!❤
“Congratulations 💥JEAN AREJA DAIPAL💥👈
“My Only Wish, “Sana Gawin Kang Inspirasyon Sa Lahat Ng Mga Kabataan.”
“I Was Even Touched With Her Wish, Na Sana Daw Magkaroon Siya Ng Artificial Foot Para Makalakad Siya Ng Normal At Makapagtapos Sa Kanyang Pag-aaral. Pag-aaral Talaga Ang Priority.❤ Gusto Nya maging Doctor Para Makatulong daw Siya Sa May Mga Kapansanang Katulad Nya.
Via: www.thedailysentry.net