TODO Espesyal
Batang ulila, namuhay mag-isa sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay
Sa murang edad ay natutong mamuhay ng mag-isa ang 10 taong gulang na batang Vietnamese na ulila na sa kanyang mga magulang.
Pumanaw ang ina ni Dang Vhan Khuyen habang nagtatrabaho ang kanyang ama sa malayong lugar bilang construction worker kaya’t kinailangan niyang manuluyan sa kanyang lola sa Vietnam.
Ngunit patuloy na hinamon ng pagsubok ang paslit nang masawi rin ang kanyang ama sa aksidente sa pinagtatrabahuhan at muling nagpakasal ang kanyang lola sa ibang lugar.
Sa isang iglap ay naglaho ang suportang inaasahan ng paslit sa kanyang ama at lola at wala rin sa kanyang mga kamag-anak ang nais na magkupkop sa kanya.
Namuhay ng mag-isa si Khuyen at nagsumikap na harapin ang araw-araw ng mag-isa sa pamamagitan ng pagtatanim sa isang liblib na lugar sa Vietnam.
Maliban dito ay umaasa rin ang bata sa kabutihang loob ng kanyang mga kalapit na bahay na minsan ay nag-aabot sa kanya ng makakain.
Sa likod nga pinapakitang katapangan, pag-aamin ni Khuyen ay hindi siya kumportable sa pagtulog nang mag-isa sa gabi kasabay ng mga sumisipol na hangin.
Kaugnay nito, nagpatuloy si Khuyen sa pag-aaral sakay ng bisikleta papasok at pauwi mula sa eskwela.
Sa pamamagitan ng isang guro na tumulong kay Khuyen sa paghahagilap ng pera pambayad sa pagpapalibing ng kanyang ama, naipaabot sa mga awtoridad at media ang kalagayan nito.
Marami ang naantig at humanga sa paslit kaya’t dumagsa ang suporta at donasyon habang ang iba ay nag-alok ng pagkupkop sa kanya.
Source| https://remate.ph/ulilang-batang-vietnamese-namumuhay-mag-isa-umaasa-sa-pagtatanim-ng-gulay/