Connect with us

TODO Espesyal

Dahil ‘di pinautang ng P10k panghanda sa kaarawan ng anak, babae nagalit at minura ang kaibigan

Published

on

Photo from the web.

Trending ngayon sa socmed ang usapan ng dalawang magkaibigan kung saan galit na galit ang babaeng nanghihiram ng pera dahil tinanggihan siyang pautangin ng kaibigan.

Nadismaya rin ang nagpost na si Wina Dalaorao matapos siyang awayin at murahin ng kaibigang nangutang sa kanya.

Ibinahagi ni Wina ang screenshot ng convo nila kung saan prankang sinabi ng kanyang kaibigan na hihiram siya ng P10,000 kay Wina para daw sa nalalapit na kaarawan ng kanyang anak.

Hindi na pinangalanan ni Wina ang kanyang kausap, aniya, nais nitong magpa lechon, bumili ng cake o kaya’y magpa catering sa anak dahil malapit na ang 1st birthday nito.

“Naa ka extra money? Mo borrow lang unta ko og 10K hapit na bday sa akong anak gud unya 1st birthday pa jud lain kaayo dili ko maghikay ba malooy pud ko sa bata. Ako palitan lechon, cake, kundi mag catering ko, saad niya in vernacular language.

[Tanslation: May extra ka bang pera? Hihiram lang sana ako ng P10k malapit na birthday ng anak ko, then first birthday pa niya. Dyahe naman kung hindi ako maghahanda kawawa naman ang bata. Bibili ako ng lechon,cake o di kaya magpapa-catering ako.]

 “Karon rajud ko mohangyo please. Gamay rajud ng 10k nimu kay dako kag sweldo unya seaman pajud imu papa,” dagdag pa niya.

[Tanslation: Ngayon lang ako lalapit sa’yo, please. Maliit lang na halaga ang 10k sayo dahil malaki naman sweldo mo at seaman pa ‘yong papa mo.]

Tumanggi si Wina sa kaibigan dahil wala siyang sampung libo na maipapahiram dito.

Ayon naman sa babae, malamang na may pera sa Wina dahil malaki ang sweldo nito at seaman rin ang kanyang ama.

Sinabihan ni Wina ang kanyang kaibigan na hindi na niya kailangan pang magpabongga ng kaarawan sa anak. Kahit umano simpleng handaan lang ay pwede para sa kanyang anak.

Saad naman ng babae ay marami daw siyang kaibigan at hindi sapat ang kokonting handa.

Nagsimula na rin na mag-iba ang pananalita nito sabay sabi in bisaya, “Kaarte pud uy salig datu. Dapat share your blessings dai ui.”

[Translation: Ang arte mo naman porke’t mayaman ka. Dapat share mo rin blessings mo, girl.]

Ani Wina, dapat maging kuntento na ang kaibigan kung ano ang meron sila at wag nang intindihin ang iniisip ng ibang mga kaibigan dahil ang kanyang paghahanda ay para sa anak at hindi para sa iba.

“Be contented nalang unsa mahikay nimu dai uy. Usa pud ayaw pag mind imu friends, dili man sila imu hikayan imu anak man,” saad ni Wina.

Pero mas ikinagalit ito ng kanyang kaibigan kung saan inaway na siya at pinagmumura pa siya.

“Ingun nalang gud di ka pahuwam. Kaarte pud nimu ui mura kag si kinsa dah. Mura kag gwapa (angry emoji).”

[Translation: Sabihin mo nalang na ayaw mong magpahiram. Arte mo naman. Feeling maganda.]

“P!$t! murag kinsang datua!!Matay paka!! Kung unsa naa nimu ron bawion ranas Ginoo. Magabaan raka sa wala pagtabang (angry emoji). Batig nawng!! (angry emoji).

[Translation: Shuta ka! Feeling sinong mayaman! mam@maty ka rin. Kung anong meron ka ngayon babawiin rin sayo ng Diyos yan. Kakarmahin ka rin. Pangit!!]

Ikinagulat ito ni Wina dahil hindi niiya akalain na ikakagalit ng kaibigan ang pagtanggi nito na humantong pa sa pagmura sa kanya.

Hindi na rin siya nakasagot sa tirada ng babae dahil agad siyang blinock nito .

Sa kanyang inis, ibinahagi nito sa social media ang kanyang hinaing.

Saad ni Wina, pasalamat ang babae at hindi na niya ibinalandra pa ang mukha nito matapos siyang awayin at pagsalitaan ng masasakit na salita.

Bagama’t nainis siya ay hindi niya pa rin nakalimutang batiin ng maligawang kaarawan ang bata.

Basahin ang kanyang buong post:

I dont want to post this but you provoke me to do such thing and nanaghan na in.ani na taw! Fyi, wala ko ng work para ipahuwam ako sweldo para mg pa LECHON, CAKE og CATERING ka. Regardless if how much is my salary its either big or not its none of your business if how im gonna spend my money cos ive worked hard for it. 😡

Datu daw ko ky seaman akong papa hahaha!!! 😡 Nganong naay in.ani na taw? 😭 you’re so lucky enough cos im still hiding ur face.

God bless you. Advance happy bday imu baby 🙏🙏