Connect with us

TODO Espesyal

DUMI NG BAKA, GINAGAWANG GAMOT VS COVID-19 SA INDIA

Published

on

Photo|Screen grab/Nypost.com

Nagbabala ang mga doktor sa India laban sa paggamit ng ilang mamayan sa dumi ng baka bilang pangontra sa COVID-19.

May ilang residente ng Gujarata sa western India ang nagbabalot ng dumi at ihi ng baka sa katawan sa paniniwalang nakagagamot ito ng coronavirus at nakapagpapalakas ng resistensya.

Sa Hinduism, ang baka ay isang sagradong simbolo ng buhay at ng mundo.

Ginagamit ng mga Hindi ang dumi ng baka sa panlinis ng bahay at mga ritwal na pinaniniwalaang nakagagaling at isang antiseptic properties.

“We see … even doctors come here. Their belief is that this therapy improves their immunity and they can go and tend to patients with no fear,” saad ni Gautam Manilal Borisa, isang associate manager sa pharmaceuticals company na nagsasabing natulungan siya nito na gumaling sa COVID-19.

Ilang beses nang nagbabala ang mga doktor at scientist sa buong mundo laban sa mga pinaniniwalaang alternatibong gamot sa COVID-19 na maaaring makapagpakumplikado pa ng kalusugan.

“There is no concrete scientific evidence that cow dung or urine work to boost immunity against COVID-19, it is based entirely on belief,” pahayag ni Dr JA Jayalal, national president ng Indian Medical Association.