TODO Espesyal
GINANG NA PINANINIWALAANG NAMATAY, UMUWI NG BAHAY
Isang 75-taong gulang na ginang mula sa India ang umanoy namatay dahil sa COVID-19 ang umuwi ng bahay na ikinagulat ng kaniyang mga mahal sa buhay.
Ayon sa ulat ng isang pahayagan sa India, dinala si Mutyala Girijamma sa isang government hospital nang mag-positibo ito sa COVID-19.
Tatlong araw matapos siyang dalhin sa ospital, dinalaw si Girijamma ng kaniyang asawang si Gaddayya, subalit hindi umano siya makita.
Isang staff umano ng ospital ang nagsabi kay Gaddaya na tingnan sa morgue ng ospital dahil maaring binawian na ng buhay si Mutyala.
May nakita naman umanong bangkay ng matandang babae si Gaddayya. Sa paniniwalang ito ang janiyang asawang si Mutyalla, iniuwi niya ito upang maihimlay ayn sa kanilang paniniwala.
Dahil pinaniniwalaang COVID-19 ang ikinamatay ni Mutyala, walang nakipaglibing mula sa kanilang lugar kung kaya’t hindi rin nila nakita ang labi nito.
Isang linggo matapos ang libing ni Mutyalla, pumanaw naman ang anak nito dahil din sa COVID-19. Dahil dito, nagsagawa ng joint memorial service noong June 1, 2021 ang pamilya para sa mag-ina.
Kinabukasan, June 2, umuwi si Mutyala matapos gumaling. Dismayado umano siya dahil wala man lang ni isang kapamilya ang nakaalalang dalawin siya habang lumalaban sa COVID-19.
Ayon sa kaniya, lumabas siya ng ospital at inilipat sa isang COVID-19 facility para magpagaling.
Wala pa ring pahayag ang ospital hinggil dito.