TODO Espesyal
Isang kompanya, magbabayad ng P71,000 sa mga taong matutulog ng isang buwan
Handang magbayad ng $1,500 o P71, 000 ang isang kompanya sa mga tao na ang gagawin lang ay matulog magdamagan sa loob ng isang buwan.
Ayon sa website ng eachnight.com, limang tao ang kailangan nila para gawin ang nasabing trabaho at tatawagin silang ”nap reviewer”.
Balak nilang subukan ang mga teorya ng pros and cons ng pagtulog para makatulong sa marami.
“So, we wanted to test a few theories behind the pros and cons of napping to provide our community with some valuable insight. We know that in general different length naps have different benefits, but we are keen to put this to the test, and we need your help.”
Dapat maging handa ang grupo ng mga “nap reviewer” sa trabahong gagawin.
Kinakailangan din na kayang matulog mag-isa ng mga aplikante para masiguro na hindi sila maiistorbo. Mahalaga rin na marunong silang magsulat ng Ingles para sa pagsusulat nila ng review.
Dito masusubukan ang mga teorya tulad ng best nap duration for feeling refreshed, the effects of napping on overall levels of fatigue, at effects of napping on memory, motivation and productivity.
Bukas sila sa pagtanggap ng mga aplikante sa buong mundo na nasa wastong gulang na 18 years old.
Magtatapos ang kanilang paghahanap ng nap reviewer sa Mayo 31, 2021.