Connect with us

TODO Espesyal

KAKAIBA AT KAHANGA-HANGANG MGA TRADISYON NG HALLOWEEN SA BUONG MUNDO

Published

on

Photo Courtesy| Unsplash

Ang Autum o taglagas ay isang nakakatakot na oras ng taon na malapit na ang Halloween.

Ang mga gabi ay mahaba at madilim at puno ng mga kaluluwa ng mga patay.

Ngunit alam niyo ba kung ano ang mga kakaibang paraan kung paano ipagdiwang ng mga bansa sa buong mundo ang hindi pangkaraniwang pagan festival na ito at magpasya kung saan mo gusto ang iyong susunod na gabing nakakatakot.

1. Mexico

Ang Dia de los Muertos, o Araw ng mga Patay, ay ipinagdiriwang sa buong Mexico tuwing ika-2 ng Nobyembre. Ngunit ang orihinal na pagdiriwang pagan holiday ay tuwing summer, kalimitan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ang holiday na ito ay na-adapt upang umangkop sa Simbahang Katoliko kasunod ng kolonisasyon ng Espanya sa Mexico noong ika-16 na siglo na tugma rin sa Araw ng mga Kaluluwa. Naiugnay din ito sa Halloween.

Kinakatawan ng Calavera (bungo) ang orihinal na pagdiriwang ay iniaalay sa ‘Lady of the dead’, ang modernong araw na La Calavera Catrina. Nagtitipon-tipon ang magpamilya at mga magkakaibigan sa libingan ng mga mahal nila sa buhay at doon nagpapalipas ng araw, nagpipista ng pan de muerto (tinapay ng mga patay) at umiinom ng paboritong alak ng namatay na mahal sa buhay.

Ang mga espesyal na bagay ng mga namatay, mga larawan, Aztec marigolds at mga treat tulad ng minatamis na pumpkin, sugar skulls at mga liham mula sa pamilya ay dinadala din sa libingan bilang mga handog upang tuksuhin at hikayatin ang mga kaluluwa na bumisita. Ang mga kumot at unan ay ipinipresenta upang matulungan ang mga espiritu na makapagpahinga pagkatapos ng kanilang mahabang paglalakbay.

2. Spain

Sa bansang Spain o Espanya, magsisimula ang tatlong araw na pagdiriwang sa ika-31 ng Oktubre simula sa Dia de las Brujas (Day of Witches/Halloween), pagkatapos ay Dia de Todos los Santos (All Saints’ Day) at pagkatapos ay Dia di los Muertos (Day of the Dead/All Souls’ Day). Ang mga patay at ang pagpapatuloy ng buhay ay ipinagdiriwang sa tatlong araw na ito. Ang iba’t ibang mga bayan at nayon ay may sariling mga tradisyon, bawat isa ay nagdiriwang sa kakaibang paraan. Ang isang natatanging tradisyon, na sinusunod sa Galicia, ay ang paggawa ng Queimada.

Ang inumin ay halo-halong sa isang guwang na kalabasa o hollow pumpkin; spirit distilled mula sa alak na may mga herbs, citrus peel, asukal at unground coffee. Isang spell ang sinasabi sa buong paggawa at pag-inom nito. Ito ay pinaniniwalaan nilang ilalayo nito ang anumang masasamang espiritu. Ang mga dekorasyon ng mga inukit na kalabasa at mga costume party ay mas tradisyonal na kasiyahan na makikita sa lahat ng bayan sa Halloween.

Ipinagdiriwang ang All Saints’ Day sa taglagas na may magandang musika, pagsasayaw at mga pana-panahong delicacy tulad ng inihaw na mga kastanyas, kamote, matamis na alak at marzipan cake. Ang All Souls’ Day ay ipinagdiriwang katulad ng sa Mexico; pagbisita sa puntod ng mga mahal sa buhay at pagbibigay ng mga handog sa mga kaluluwa.

3. Scotland

Ang Scotland ay isa pang bansang Celtic kung saan ipinagdiwang ang pagtatapos ng harvest festival o Samhain. Iba’t ibang tradisyon ang umusbong dito, ang ilan ay ginagamit pa rin sa pagdiriwang sa buong mundo ngayon. Ang mga bata ay nagdi-disguise o nagbibihis upang takutin ang mga masasamang espiritu na gumagala sa kanilang mga nayon, isang tradisyon na kilala bilang guising.

Ang mga mummer ay nakasuot ng nakakatakot na kasuotan at nagtatanghal ng mga maiikling palabas, bilang kapalit ng mga regalong pagkain, sa pagkutitap ng liwanag ng mga kandilang nakalagay sa mga turnip lanterns na nagpapalayo sa mga patay. Ang pag-dooking ng mga mansanas at pagkain ng treacle covered scone na nakuha mula sa isang lubid gamit lamang ang iyong bibig ay isa sa mga paboritong festival tradisyon. Ang nasabing tradisyon ay ginagawa pa rin ng ibang mga Scottish tuwing Halloween kahit may mga kaunting pagbabago na.

Ang isang nawawalang tradisyon ay ang pagbabalat ng mansanas. Sa mga nakalipas na panahon, ang mga tao ay nagbabalat ng isang buong mansanas nang sabay-sabay, at pagkatapos ay itatapon ang balat sa kanilang kaliwang balikat. Kung ano ang ang hugis na mabuo mula sa mga itinapong balat ng mansanas ay ang unang titik ng pangalan ng iyong magiging asawa.

4. Ecuador

Ang Dia de los Difuntos o Day of the Deceased ay ipinagdiriwang tuwing ika-2 ng Nobyembre sa Ecuador. Sa Dia de los Muertos, binibisita ng mag-anak ang libingan ng mga namatay nilang miyembro ng pamilya at binibigyan ng pinggan upang makasalo sa pagkain. Ang plato na may pagkain ay iniiwanan sa libingan para sa namatay pagkatapos ng kasiyahan.

Ang hinurnong harina ng may jam o kahit anong matamis na sauce at nilalagyan ng dekorasyon upang gumawa ng traditional guaguas de pan or bread babies. Ito ay kalimitang niluluto ng miyembro ng pamilya o binibili sa mga bakery upang makain sa nasabing araw. Colada Morada ang traditional na inumin na magandang ipares sa tinapay o ang tinatawag nilang bread babies.

5. Italy

Ang All Saints’ Day at All Souls’ Day ay binuo ng Simbahang Katolika upang gawing katanggap-tanggap ang mga paganong ritwal sa buong Europa na nagpaparangal sa mga patay. Dahil dito, marami sa mga paganong tradisyon ang dinala sa pagdiriwang ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Sa bansang Italya, ang mga Carved Pumpkins ay ginagamit upang ilawan ang daanan ng mga patay patungo sa kanilang mga naiwang mahal sa buhay. Ginagamit din ang mga ito sa paghawak ng mga handog para sa mga patay, tulad ng alak. Maraming bayan at lungsod ngayon ang nagdiriwang na may mga parada ng musika, mga ilaw at apoy.

Ang mga tao ay nagbibihis bilang mga mangkukulam, multo at ang mga bata ay kumakatok sa mga pintuan sa kanilang komunidad at humihingi ng mga matamis bilang kapalit ng mga panalangin para sa kanilang mga patay. Tumatanggap din sila ng mga regalo sa bahay mula sa kanilang mga namatay na miyembro ng pamilya.

6. Singapore

Buwan bago ang pagsapit ng Halloween ang mga tao sa Singapore ay nag-uumpisa ng maghanda at magplano kung paano makagawa ng isang nakakatakot na okasyon. Katulad ng ibang mga bansa, ang Singapore ay ipinagdidiwang ang mga kapistahan ng mga patay mula ika 31 ng Oktubre hanggang petsa 2 ng Nobyembre. Gayunpaman, popular din sa Singapore ang mga tradisyon na katulad sa western world, katulad ng trick or treat.

7. Austria

Seleenwoche ang tawag sa selebrasyon ng mga patay sa Austria na ipinagdidiwang tuwing Oktubre 8 hanggang November 8. Pinaiilawan nila ang madilim na gabi bilang pag-welcome sa mga bumabalik na kaluluwa. Ang mga taga-Austria ay nag-iiwan din ng tinapay at tubig sa kanilang hapag para sa nga pinaniniwalaan nilang bibisitang kaluluwa ng mga yumao. Sa araw ng All Saints’ Day, nagtutungo ang bawat pamilya sa puntod ng yumaong mahal sa buhay at nilalagyan nila ito nga mga dekorasyon katulad ng wreaths and lanterns. May isinasagawang misa sa kanilang sementeryo at binabasbasan ng holy water ang mga puntod. Sa mismong All Saints’ Day, ang mga taga-Austria ay dadalo sa mga Church services upang magbigay-pugay sa mga santo at santa at martires ng mga mananampalataya. Nagsasagawa rin ng requiem masses tuwing All Souls’ Day para sa mga pumanaw na sa kabilang buhay.

8. Ireland

Sa bansang Ireland, sinasabing ang Samhain ang pinagmulan ng modern-day Halloween. Selebrasyong nagpapahiwatig na nagtapos na ang harvest season, kung saan mararanasan ang mahabang gabi. Isa ito sa apat na seasonal Celtic festivals at ang pinaka nauugnay sa kamatayan dahil para sa maraming tao ito ay may malaking posibilidad na magkatotoo.

Pinaniniwalaan na sa pagitan ng mga taon na maikli ang gabi at may mahabang gabi ang harang na pumapagitna sa mga buhay at patay ay numinipis. Ang mga espirito nga mga pamilya at kaibigan ay welcome ngunit ang mga evil spirits ay hinaharangan ng liwanang na nangangaling sa bonfires. Ang mga tao ay itinatago ang kanilang mga sarili sa ibat-ibang kasuotan at mascara. Naghahanda rin ang mga taga Ireland na mga espesyal na pagkain katulad ng Barmbrack, ito ay tinapay na may sultana at pasas. Binibigay nila ito sa mga bata na kumakatok sa mga pintuan ng bahay at nag-aalay ng panalangin sa mga kaluluwa ng mga namatay.

9. Philippines

Ang Halloween sa Pilipinas ay hindi katulad ng mga isinasagawang Halloween sa ilang mga Western countries. Bagama’t ito ay isang pangunahing holiday sa Pilipinas, katulad sa U.S. at iba pang mga bansa sa Kanluran, ipinagdiriwang ito ng mga Pilipino sa ibang paraan.

Ang mga tradisyon at okasyong may kaugnayan sa Halloween sa Pilipinas ay karaniwang nagsisimula ng isang linggo o higit pa bago ang ika-31 ng Oktubre at hindi nagtatapos hanggang pagkatapos ng ika-2 ng Nobyembre. Dahil sa ating matibay na Catholic background, ang ika-1 at ika-2 ng Nobyembre ay ginugugol sa pag-alala sa ating mga namatay na mahal sa buhay.

Sa dalawang araw na ito, karamihan sa atin ay matatagpuan sa parehong mga lugar—ang ating mga lokal na sementeryo at mga memorial park. Tayong mga Pilipino ay hindi nagdiriwang ng bisperas ng kapistahan sa pamamagitan ng pag-ukit ng kalabasa o pag-bobbing ng mansanas (bagaman ang mga pamilya sa ilang lugar ay nagsimula nang magsagawa ng trick-or-treat)—ipinagdiriwang natin ito sa pamamagitan ng pagkutitap ng mga kandila, mabangong bulaklak, maalalahanin na panalangin, at grupong pagbisita sa mga sementeryo.

Continue Reading