Connect with us

TODO Espesyal

Larawan ng guro habang nag-aalaga ng anak ng estudyante, nag-viral

Published

on

Larawan mula sa Facebook post ni Ella Cerezo.

Isang guro ng Pangasinan State University (PSU) ang nag-trending kamakailan dahil sa nag-viral na Facebook (FB) post ng kaniyang estudyante.

Makikita sa FB post ang guro na karga ang noon ay natutulog na anak ng kaniyang estudyante habang nasa klase.

Ayon sa estudyanteng si Ella Cerezo,nagpaalam umano siya sa kaniyang guro kung maaari niyang dalhin sa klase ang kaniyang limang buwang gulang na anak dahil wala umanong mag-aalaga dito.

Pumayag naman ang kaniyang guro at nagulat pa nga raw siya ng mag-presinta itong aalagaan na lamang niya ang bata habang nasa klase ang ina nito at upang matapos nito ang kanilang group activity.

Pahayag naman ng gurong si De vera, isa rin siyang ina kung kaya’t hindi siya nag-atubiling tulungan ang estudyante. Naiintindihan din umano niya na ang hirap na dinaranas ng mga student-mothers na nagsusumikap para maabot ang pangarap na makapagtapos.

Para naman sa mga estudyante ni De Vera, napaka-cute daw at nakaka-touch ang litrato ng kanilang guro habang buhat nito ang anak ng kanilang kaklase. Ito umano ang nag-udyok sa kanila na kunan ng litrato ang dalawa sa kanilang cellphone at i-post ito sa FB.

Ito naman ang naging caption ni Cerezo sa kaniyang post:  “Yung instructor ko kayang alagaan si baby ko para lang matapos ko yung Activity. “THANK YOU MA’AM”

Hindi lamang ang gurong si De Vera ang hinangaan ng mga netizens. Umani rin ng papuri si Cerezo dahil sa ipinakita niyang determinasyon na makatapos sa kaniyang pag-aaral.