Connect with us

TODO Espesyal

Longest Longanisa, tampok sa festival sa Baguio

Published

on

LONGEST LINE. Ipinarada ng mga estudyante ng Hotel and Restaurant Management ang longest longanisa sa kahabaan ng Session Road noong Linggo. Sinimulang ng nasabing parada ang Hotel and Restaurant Tourism weekend kung saan daan daang mga estudyante at manggagawa ang mga naglaban-laban sa iba’t ibang patimpalak na may kaugnayan sa kanilang larangan.

Aabot sa 4000 kilo ng longganisa ang ipinarada ng mga estudyante ng Hospitality and Tourism Management mula sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa Baguio para sa ikatlong Longest Longanisa Festival. 

Ang nasabing festival ay isang atraksyon ng Hotel and Restaurant Tourism (HRT) weekend na ino-organisa ng Hotel and Restaurant Association of Baguio (HRAB) sa pakikipagtulungan ng Alabanza meat shop – ang producer ng kilalang “Baguio longganisa”. 

Sa isang panayam, ibinida ni Vondalyn Alabanza ng Alabanza Meat Store ang kanilang longanisa.  “My longanisa is not just long, it is specifically made out of 1,700 kilos of lean pork, 1,300 kilos of fat, 300 kilos of garlic, dry spices and 71 liters of wet ingredient”.  sinabi ni sa isang an interview.

“Some 16,050 longganisa measuring 7.862 kilometers long were produced in two months”, dagdag pa niya.

Sa nasabing HRT weekend, ang mga estudyante at manggagawa sa hospitality industry ay dumadayo sa Baguio para makipagtagisan ng galing sa iba’t ibang mga kompetisyon na may kaugnayan sa industriya.

Ibinahagi rin niya ang mga layunin ng nasabing festival.  “As a businesswoman, to inspire young aspirants not only people in the food industry to dream big, to showcase what they have,” she said.

Ito ang ikatlong taon ng pag-organisa ng nasabing festival at layon nila na i-promote ang Baguio longganisa na nagiging paborito na ng mga turista sa loob at labas ng siyudad.

Binigyan-diin ni Alabanza na ang mga karne na ginagamit sa longganisa ay ligtas sa African Swine Fever at dumaan sa masusing inspeksyon ng National Meat Inspection Service.

Ang mga longganisa ay idinisplay nang hilaw at ibinibenta sa publiko matapos ang kasiyahan.

Continue Reading