Connect with us

TODO Espesyal

‘MAM IYA KAMI SA SIGNALAN’ 🌳

Published

on

Photo Courtesy|

Kanya-kanyang puwesto sa itaas ng puno ang mga estudyanteng ito sa Alfonso XII National High School sa Libacao upang makasagap ng malakas na signal para makapag-online habang wala pang face-to-face classes.

“They are supposed to be in their classroom, not in the top of a tree…dahil sa sitwasyon makaron daya ro realidad ag bukon it manami,” bahagi ng caption ng kanilang guro na si Bituin Zaulda Suganob kalakip ng retratong ipinoste sa facebook.

Sa panayam ng Radyo Todo, ipinaliwanag ni teacher Suganob na mula ang retrato sa kanilang dating estudyanteng si Jonchel Perez Esto.

Kwento ni teacher, napaluha siya nang ipasa ni Johncel ang retrato sa kanya sapagkat hindi nila alam na kailangan pang umakyat ng puno ng kanyang mga estudyante para lang magka signal at makapag-update sa kanila.

Wala rin kasing sapat na perang pambayad ng piso net ang mga ito. Katunayan, ang ilan sa kanila ay may kanya-kanya umanong diskarte para kumita.

Ayon pa sa guro, Modular Distance Learning (MDL) ang mode of learning na ginagamit nila sa paaralan at hindi required ang pagpapa-online sa mga ito. Gayunpaman, maaari silang mag update o magtanong sa mga guro online.

Hanga si teacher Suganob sa determinasyon ng kanyang mga estudyante makapagtapos lang ang mga ito ng pag-aaral. Umaasa siya na matutulungan ang kanyang mga estudyante na nagsisikap na makapagtapos.

“My dear students of Alfonso XII NHS, you inspire me to be a better teacher… thank you for reminding us sa amon nga sinumpaan nga profession,” aniya.