Connect with us

TODO Espesyal

Mensahe ng nurse sa kaniyang pasyente, umani ng iba’t ibang reaksyon

Ikaw, Ka-Todo? Ano ang version mo ng mensahe ayon sa larawan?

Published

on

Larawan mula sa www.thinkinghumanity.com

Lost in translation.

Sa dami ng wika sa mundo, hindi maiiwasan na magkaroon ng di pagkakintindihan. May mga pagkakataong nagiging katawa-tawa ang kinalalabasan ng ating pagsasaling wika. Minsan naman, nakakatakot, kagaya na lamang ng nangyari sa isang ospital sa bansang China.

Isang international student ang na-ospital sa China, at napunta sa pangangalaga ng isang nurse na hindi maalam sa wikang English. Batid ng nurse na mahalagang maibigay nya ang wastong medical information sa kaniyang pasyente, kung kaya’t naging malikhain siya sa pagpapaintindi sa kaniyang pasyente. Subalit kabilang pala sa kaniyang malikhaing pagpapaintindi ay ang paggamit ng mga nakakatakot na imahe.

Simple lamang naman ang nais iparating ng nurse, malinaw rin naman ang kaniyang mensahe: ooperahan ang pasyente bukas, kung kaya’t hindi na ito pwedeng kumain o uminom ng tubig pagkalipas ng alas-10 ng gabi.

Naging viral ang larawan ng iniwang mensahe ng nurse sa kaniyang pasyente at umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens.