TODO Espesyal
“MISSING” NA LASING, TUMULONG SA PAGHAHANAP SA KANYANG SARILI
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2021/10/tus.jpg)
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2021/10/tus.jpg)
Isang nawawalang lalaki ang naiulat sa Turkey na sumama sa mga grupo ng lalaking naghahanap sa kanya.
Batay sa mga ulat, kasama pa ng 50-anyos na si Bayhan Mutlu ang kanyang mga kaibigan nang lumibot sa kagubatan nang lasing ngunit hindi na nakabalik nitong Martes ng umaga.
Tumindi pa ang paghahanap at umabot pa ng ilang oras bago niya nalaman na siya pala ang tinutukoy na “missing” ng kanyang mga kasama.
Sinigaw ng mga rescuer ang pangalan ni Mutlu sa pag-asang maririnig sila nito nang bigla itong magsabi na, “Who are we looking for? I am here.”
Bursa'nın İnegöl ilçesinde, Beyhan Mutlu isimli şahıs, kendisi için başlatılan arama çalışmalarını başkası için zannederek saatlerce kendini aradı.
Ekipler, arama çalışmasıyla ilgili tutanak düzenleyip kayıp şahsı evine bıraktılar. pic.twitter.com/yhVaPSh7wY
— Vaziyet (@vaziyetcomtr) September 28, 2021
Doon na napag-alaman na kasa-kasama lang pala nila ang lasing na si Mutlu habang sila ay naghahanap.
Hindi pa malinaw kung paano nakasali si Mutlu sa kanyang sariling search party at kung paanong hindi siya agad napansin ng kanyang mga kaibigan.
Ligtas naman na nakabalik si Mutlu sa kanilang bahay matapos ihatid ng mga awtoridad.
Hindi ito ang unang pagkakataon na may isang nawawalang indibidwal na sumali sa kanyang mismong search and rescue party.
Noong 2012 sa Iceland, isang Asian tourist ang nadiskubre ng kanyang search team na kasama nila matapos raw nitong hindi makilala ang sariling deskripsyon.