Connect with us

TODO Espesyal

MISTER, NATUKLASAN ANG PANLOLOKO NI MISIS DAHIL SA GOOGLE MAP

Published

on

Hiniwalayan ng mister ang kanyang misis matapos nitong makita ang kanyang larawan sa Google Street View sa Peru habang nakikipaglandian sa ibang lalaki.

Ilang taon na di umano ang nakalipas mula ng makuha ng Google ang larawan.

Subalit nakita ito ni mister habang naghahanap ng direksyon papunta sa Bridge of Sighs sa Lima, Peru.

Nang makita ang larawan ng kanyang misis kasama ang isang hindi kilalang lalaki ay kinompronta niya ito at hiniwalayan ayon sa South American Reports.


A woman is seen with a man on a bench near the Bridge of Sighs in Barranco, Peru, in 2013. (Google Maps)

Makikita sa larawang kuha ng Google Street View noong 2013 ang isang babaeng nakaupo at lalaking nakahiga sa kanyang mga binti.

Bagamat naka-blur ang mukha ng mga ito, positibong kinilala ng mister ang kanyang misis dahil sa suot at pangangatawan nito.

Inamin naman ng misis ang kanyang nagawang pangangaliwa.


The man and woman, apparently undisturbed by the Google camera, in Barranco, Peru, in 2013. (Google Maps)

Kaugnay nito, hindi ito ang unang beses na naging daan ang Google mapping sa pagtuklas ng mga rebelasyon.
Noong 2013, isang Russian woman din ang nakatuklas ng pangangaliwa ng kanyang fiance sa pamamagitan ng larawan ng Google Street View.

Article: LUCIS