Connect with us

TODO Espesyal

OFW, wagi sa prestihiyosong Taiwan Literature Award

Simula noong bata pa si Melinda Babaraan, ang pagsulat ang kanyang paraan upang ipahayag ang kanyang mga saloobin. “Nagsusulat lang ako whenever I’m upset just to pour out my emotions and then after that, tinatapon ko na. That’s my way of hindi mapuno ‘yung loob ko at hindi ako makapagtanim ng galit.”

Published

on

OFW wagi sa prestihiyosong Taiwan Literature Award
Sa winning-piece ni Babaran na “Latay sa Laman” , ikinwento niya ang kung anong uri ng relasyon meron sila ng kanyang ama. Litrato mula sa taiwantoday.tw

Wagi sa prestihiyosong Taiwan Literature Award for Migrants ang OFW na si Melinda Babaran dahil sa kanyang akda na “Latay sa Laman.” 

Mahigit 11 taon nang nagtatabraho sa Babaran sa Taiwan bilang factory worker.  Kamakailan lamang ay may pinagdaanan ang pamilya ni Babaran na nagbunsod sa kanya na sumulat ng isang akda.

“Wala akong balak sumali noon. It just so happened that nagkaroon ng sakit ‘yung father ko so I needed someone to talk to so instead of pouring out my emotions to an individual,” aniya. “It was a poem about what’s usually happening between families if nagtatrabaho sa ibang bansa ‘yung isa.”

Ang “Latay sa Laman” ay isinulat sa anyong monologue, kung saan ikinwento niya ang kung anong uri ng relasyon meron sila ng kanyang ama.  Hindi raw tanggap ng tatay niya ang kanyang sekswalidad.

Inamin ni Babaran na kahit wala siya sa piling ng kanyang pamilya, nakakaramdam siya ng kalayaan na mamuhay ng ayon sa idinidikta ng kanyang kasarian.

Sinabi pa niya na di tulad sa Pilipinas, wala daw problema ang mga Taiwanese sa kung ano ang kanyang sekswalidad.  “Hindi katulad sa Pilipinas na ‘pag nakasalubong ka, tataasan ka na agad ng kilay o iiwasan ka o masama agad ang iniisip sayo,” sabi ni Babaran.

“‘Yung discrimination talagang naranasan ko doon mismo sa loob pa lang ng bahay so how can I expect other people to accept me kung sa sarili kong bahay hindi ako accepted?”

“‘Yung discrimination talagang naranasan ko doon mismo sa loob pa lang ng bahay so how can I expect other people to accept me kung sa sarili kong bahay hindi ako accepted?” Litrato ni by SAMANTHA LEE

Dagdag pa ni Babaran, simula noong siya ay bata pa, ang pagsulat ang kanyang paraan upang ipahayag ang kanyang mga saloobin. “Nagsusulat lang ako whenever I’m upset just to pour out my emotions and then after that, tinatapon ko na. That’s my way of hindi mapuno ‘yung loob ko at hindi ako makapagtanim ng galit.”

Napanalunan ni Babaran ang Jury Award kasama ng isa pang Pilipino na si Louie Jean M. Decena na nanalo rin ng Jury Award and Teen Choice Award dahil sa kanyang akda na “Ang Mahiwagang Kahon ni Itay”

Ang Taiwan Literary Awards for Migrants ay bukas sa mga mamamayan ng Southeast Asian nations na nagtatrabaho sa sa Hong Kong, Macau, Malaysia, Singapore.