Connect with us

TODO Espesyal

Pagtulog ng mahigit 9 oras, nakaka-stroke

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Nasa 85% ang posibilidad na ma-stroke ang isang taong natutulog sa loob ng 9 o higit pang oras kada gabi, ayon sa mga eksperto.

Ito ang napag-alaman sa isinagawang pag-aaral ng mg Chinese, kung saan naka-publish ito sa journal na Neurology. Pinag-aralan ng mga eksperto ang sleeping habits ng 31,750 na malulusog na adults. Ang resulta ng pag-aaral ay mula sa pinagsamang physical examinations at self-reported data.

Ang mga nakilahok sa pag-aaral na ito ay walang record ng stroke at iba pang nakababahalang lagay ng kalusugan. Isinagawa ang pag-aaral sa loob ng anim na taon kung saan binabantayan ang kanilang nightly sleeping habits at kung nagsi-siesta ba sila at kung gaano katagal. Sa kabilang banda, hindi isinaalang-alang sa nasabing pag-aaral ang lifestyle factors gaya ng fitness at nutrisyon.

Ayon sa mga nagsagawa ng pag-aaral, 23% ng mga nagsabing natutulog sila ng mahigit 9 oras ay mas mataas ang potensyal na ma-stroke kumpara sa mga natutulog ng hindi umaabot ng 8 oras.

Saad pa ng pangkat ng mga mananaliksik, ang mga nagsabing hindi sila nakakatulog ng maayos ay may 29% na posibilidad na ma-stroke kumpara sa mga nagsabing nakatutulog sila ng maayos.

Sa kabilang banda, ito ang naging pahayag ng may-akda ng pag-aaral na si Xiaomin Zhang ng Huazhong University of Science and Technology sa Wuhan, China, “More research is needed to understand how taking long naps and sleeping longer hours at night may be tied to an increased risk of stroke, but previous studies have shown that long nappers and sleepers have unfavourable changes in their cholesterol levels and increased waist circumferences, both of which are risk factors for stroke. In addition, long napping and sleeping may suggest an overall inactive lifestyle, which is also related to increased risk of stroke.”Source:
https://www.independent.co.uk