Connect with us

TODO Espesyal

Pinaka-Matandang nilalang na nabubuhay sa mundo, nasa Negros!

Halos lahat tayo ay naghahangad ng mahabang buhay, ngunit iilan lang sa atin ang pinalad na umabot sa sentenaryong edad.

Published

on

Photo│BsN FB Page

Pinarangalan si Lola Francisca Tayhon Montes-Susano bilang pinaka-matandang nilalang na nabubuhay sa buong mundo sa edad na 122 taong-gulang.

Mismong ang pamosong Guiness World Records ang nag certify sa edad ni Lola Francisca.

Nakatira si Lola Francisca sa Brgy. Oringao, Kabankalan City, Negros Occidental kung saan siya ipinanganak noong September 11, 1897.

Madalas marami ang nagnanais na magkaroon ng buhay na matagal ngunit natatangi itong taga Kabankalan na centenarian lola.

Narito ang mga naging kaganapan sa panahon ni Lola Francisca noong 1897;
►Dr. Jose Rizal – Pinatay noong December 30, 1896 habang 1 buwan palang na ipinagbubuntis ng kanyang ina si lola Francisca.
►Andres Bonifacio – Pinatay noong May 10, 1897 kung saan 5 buwan pa lang na ipinagbubuntis si lola Francisca.
►Ge. Gregorio del Pilar – namatay noong December 2, 1899 habang 2 taong gulang pa lamang si lola Francisca.

via│Radyo Bandera [Sweet FM]