Connect with us

TODO Espesyal

Pinakamahal na French fries sa mundo, matitikman sa halagang P10, 000 kada order

Published

on

Photo| Guinness World Record/Twitter

Nagkakahalaga ng $200 o P10,000 ang “Creme de la Creme Pommes Frites”, pinakamahal na French fries sa buong mundo ayon sa Guinness World Records (GWR).

Mabibili ito sa isang sikat na restaurant na Serendipity 3 sa Manhattan, New York.

Nilikha ito ng creative chef na si Joe Calderone at corporate executive chef Fredrick Schoen-Kiewert.

Gamit sa pagluto nito ang mamahalin at high-quality Chipperbeck potatoes; Dom Perignon Champagne; LeBlanc French Champagne Ardenne Vinegar; pure cage-free goose fat mula sa France; Guerande Truffle Salt; truffle oil; Crete Senesi Pecorino Tartufello cheese; black summer truffles mula sa Italy; truffle butter; organic A2 100% cream mula sa mga baka sa Jersey, Gruyere Truffled Swiss Raclette na tatlong buwang gulang; at ang 23k na gold dust na pwedeng makain.

Gimik lang raw ng restaurant ang mamahaling fries para mapasaya ang mga customers dahil maraming restaurants ang isinara dahil sa pandemic.

Ayon kay Calderone, “It’s been a rough year and half for everyone and we need to have some fun now.”

Sa kabila ng mataas na presyo, mabenta pa rin ito sa mga nakaka-afford at kinakailangan pa ng 8 hanggang 10 weeks para makapagpareserve ng order nito.

Matatagpuan din sa sikat na Serendipity 3 restaurant ang pinakamahal na milkshake, sandwich, dessert at iba pang kakaibang mga pagkain sa buong mundo

Continue Reading