Connect with us

TODO Espesyal

SUPER DRAYBER NG KALIBO, KILALANIN

Published

on

Larawan ni FJSabino

Hindi biro ang buhay ng isang tricycle driver. Kailangang suungin nila ang init at ulan para may maiuwing kita sa kanilang pamilya.

Naka-basket sa tricycle ni Villorente ang mga tinapay na iniaalok niya sa kaniyang mga pasahero para sa karagdagang kita.

Namamasada sa Kalibo ang 37 taong gulang na tricycle driver na si Jimrey Villorent ng Sitio Guba, Tigayon.  Ang kaniyang maybahay ay nagta-trabaho sa isang bakery, at habang bumibiyahe ay iniaalok din ni Villorente ang mga tinapay sa kaniyang mga pasahero. Aniya, pandagdag din ito para matustusan ang pangangailangan ng kaniyang munting pamilya. May isang anak ang ating Super Drayber.

Tunay ngang hindi matatawaran ang diskarte ni Villorente. Isa siyang huwaran sa iba pang padre de pamilya, na doble ang pagsisikap at pagsisipag para sa mga mahal sa buhay. Kaya naman, saludo ang Radyo TODO sa iyo,  Super Drayber .