Connect with us

TODO Espesyal

Taxi Driver, nag-viral matapos tahiin ang napunit na pantalon ng pasahero

Published

on

Huwarang taxi drayber

Nag-viral ang isang taxi driver sa Iloilo matapos magpamalas ng kabutihang-loob sa kanyang pasaherong napunitan ng damit. Sa Facebook post ni Novie Joy Venteroso, ibinahagi niya ang kanyang nakaka-stress na karanasan habang siya ay papunta sa oath-taking ceremony para sa mga tulad niyang bagong guro.     

Nakasakay si Venteroso sa taxi ni Remy Surita Jr. ng Light of Glory Taxi Services at papunta na sana sa Iloilo Convention Center nang mapansing niyang punit ang gilid ng kanyang pantaloon.

Agad na nagtanong si Venteroso sa drayber kung may alam itong patahian ngunit dahil Linggo, wala umanong bukas na pwedeng mapuntahan. 

Iminungkahi ni Surita na bumili na lang sila ng sinulid at karayom upang matahi ang pantalon.  Ipinahiram pa umano niya ang kanyang extrang damit upang pansamantalang ipanakip ni Venteroso habang tinatahi ang pantalon. 

Kwento pa ng 24 anyos na dalaga, habang nagtatangkang tahiin ang pantaloon, nanginginig ang kanyang kamay dahilan upang mahirapan siyang magtahi.  Dagdag pa rito, hindi naman talaga siya marunong manahi.

Manong Drayber to the rescue

Nag-presinta si Surita na tahiin ang pantalon at nagtagumpay silang maayos ang suot ni Venteroso.

Inihatid rin ni Surita si Venteroso sa ICC bago pa mag-umpisa ang oath-taking. 

Abot-langit ang pasasalamat ni Venteroso kay Surita na ipinahayag niya sa kanyang Facebook post.

“Abi ko malas na gid ko kagina,pero tungod sa kindness nga ginpakita mo sakon Manong,swerte gid ko japun. Feeling ko isa ka sa mga alagad ni Lord,nanaog sa duta para magbulig sa mga tawo pareho sakon.Tuod gid man nga kung may challenges ka nga ma experience,mahatag man si Lord sang way para ma solve ini kag si manong driver ang instrument Niya para mabuligan ako..Wala gd Siya gapabaya❤ Thank you soooo much Manong.Saludo gid ko sa tanan nga taxi drivers,lalo na sa imo Manong! May God bless you!!!”

https://web.facebook.com/noviejoy.venteroso/posts/2804761916249451?__tn__=K-R

(Akala ko, malas na ako kanina pero dahil sa kabutihang ipinamalas mo sa akin, Manong, swerte pa rin ako.  Pakiramdam ko ay isa ka sa mga alagad ni Lord na bumaba sa lupa upang tumulong sa mga taong kapareho ko.  Totoo nga na kung may mga challenges ka na mae-experience, magbibigay rin si Lord ng paraan upang ma-solve mo iyon at si Manong driver ang ginamit na instrument Niya para matulungan ako.  Hindi talaga Siya nagpapabaya. Thank you so much, Manong.  Saludo talaga ako sa lahat ng taxi drivers, lalo na sa iyo, Manong.  God bless you!!!)

Ang kwento ng kabutihang loob ni Surita ay ini-share ng libo-libong netizens sa Facebook, at naitampok na rin sa iba’ ibang mga news outlet.