TODO Espesyal
Transwoman, nagpagawa ng ari mula sa balat ng tilapia
Isang transwoman ang sumailalim sa isang operasyon kung saan nagpalagay siya ng ari ng babae o vagina gamit ang balat ng isadang tilapia.
Ayon sa mga doctor na nagsagawa ng operasyon, ang transwoman na si Maju, 35-taong gulang ay mabibigyan umano ng pagkakataon na makaranas ng “proper sex life” at magkaroon ng dagdag na tiwala sa sarili sa tulong ng isda.
Saad pa ni Maju, “I was the fourth person in Brazil in 1999 to have, what was then, experimental surgery. But 10 years ago I developed vaginal stenosis. The opening of my vagina started to get narrower and shorter and the canal collapsed.”
Sumailalim sa tinatawag na neovaginoplasty si Maju. Ito ay itinuturing na isang highly complex procedure. Ginagamitan ito ng isang “tubular-shaped acrylic mold wrapped with the skin of the freshwater fish in the form of a biological prosthesis to rebuild and extend the vaginal canal in a three-hour operation on April 23,” saad ng mga expertong nagsagawa ng operasyon.
Ayon kay Professor Leonardo Bezerra isa sa mga eksperto sa neovaginoplasty, “We were able create a vagina of physiological length, both in thickness and by enlarging it and the patient has recovered extremely well. She is walking around with ease, has no pain and is urinating normally. In a couple months we believe she will be able to have sexual intercourse.”
Ang prosesong ito ay itinuturing ding isang breakthrough sa larangan ng gynecological surgery. Dahil dito, ang balat ng tilapia na noon ay itinatapon lamang ay nagkaroon ng pakinabang bilang panghalili sa human regenerative tissue.