TODO Espesyal
Triplets na nagtapos bilang cum laude, sabay-sabay ding nakapasa sa 2019 Agriculturist Licensure Exam
Taong 2018 nang magtapos ang triplets na sina King, Jack and Ace Pagaran ng kursong Bachelor of Science in Agriculture sa Provincial Technical Institute of Agriculture (PTIA) mula sa Isabela State University Cabagan Campus. Tumanggap ng pagkilala ang tatlo bilang Cum Laude.
Swertres na maitutring ang tatlo dahil hindi dito nagtatapos ang swerte ng magkakapatid na taga Sta. Maria, Isabela. Kamakailan ay muli nilang ipinamalas ang kanilang husay nang sabay-sabay din nilang naabot ang isa pa nilang pangarap.
Kabilang ang triplets sa 5,538 na nakapasa sa 2019 Agriculturist Licensure Exaination.
mula sa 13,492 na bilang ng mga kumuha ng nasabing pagsusulit nitong buwan lamang.
Ibihagi ng magkakapatid na ang tagumpay nilang tatlo ay tagumpay ng buong mag-anak. Ang kanilang mga magulang na sina Leliza at Sonny ay nagsumikap upang mapag-tapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak.
Ayon sa triplets, naranasan ng kanilang mga magulang na mangutang ng pera sa mga kamag-anak upang matustusan ang pag-aaral nilang tatlo. Naibenta rin nila ang kanilang sakahan upang may panustos sa matrikula.
Ang pamilya Paragan ay kasama sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).