Connect with us

Iloilo News

₱10,000, matatanggap ng mga OFWs na umuwi sa probinsiya ng Iloilo matapos mawalan ng trabaho

Published

on

Makakatanggap ₱10, 000 ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na umuwi sa probinsiya ng Iloilo na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Ayon kay 4th district Board Member Rolly Distura, mayroong total allocation na aabot sa ₱21 million na financial assistance.

Ihahati ito sa tig-₱4.2 million at ibibigay sa 4 na distrito.

Ito’y matapos naipasa na sa Sangguniang Panlalawigan nitong Nobyembre 27, 2020 ang ordinansang nagkikilala sa malaking kontribusyun ng mga OFW.

Ang kwalipikadong OFW ay dapat 2 taong consistent na nakarehistro sa OWWA.

Kailangan din magsumite ng kompletong application form: kopya ng flight ticket o boarding pass mula sa bansa kung saan ito nag trabaho.

Kailangan din ang proof of employment, emergency health certificate at ang sworn affidavit na walang natanggap na ayuda mula sa gobyerno, repatriation document at barangay certificate.

Para sa mas mabilis na pagproseso, maaaring pumunta sa Iloilo Provincial Capitol.

Matatanggap ng mga kwalipikadong OFW ang pera sa Enero 2021.

Nilinaw ni Board member Gonzales na ang cash assistance ay hindi lang para sa mga umuwing OFW.

Kabilang dito ang mga na-terminate dahil sa maltreatment, mga OFWs na nagkasakit at naaksidente.

Samantala, hindi naman kabilang ang mga OFW na boluntaryong umuwi sa probinsiya.