Connect with us

Iloilo News

‘1 meter pa rin ang distansiya’: DOH6 sa pagbabawas ng physical distance measure sa public transport

Published

on

Walang pagbabago sa panukala ng Department of Health (DOH) sa physical distancing ayon kay Dr. Jessie Glen Alonsabe, regional epidemiologist.

Aniya, nasa isang metro pa rin ang dapat sundin na distansiya ng publiko para mabawasan ang banta sa COVID-19.

Inihayag din ni Alonsabe ang official statement ng DOH kasunod sa implementasyon simula September 14, sa bagong physical distancing guidelines ng DOTr sa mga pasahero sa public transport.

“If possible, choose to participate in activities or use transport options that can afford at least 1m distancing,” nakasaad sa statement ng DOH.

Mula sa 1-meter na distansiya, iniklian ng DOTr sa .75 meters na lang ang distansiya ng bawat pasahero.

“Dapat kada isa mangin responsable, kun gutok na indi na pagpiliton. Sa aton na ina nga protektahan ang kaugalingon ta that’s why naga-observe sang physical distancing,” ani Alonsabe.