Connect with us

Iloilo News

101 PAMILYA, NAWALAN NG TIRAHAN SA SUNOG SA ILOILO CITY

Published

on

Mahigit 80 bahay ang tinupok ng apoy sa Barangay Ortiz sa syudad ng Iloilo ngayong Biyernes ng madaling araw.

Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Trenas, 76 bahay ang tuluyang naabo habang 12 iba pa ang partially damaged.

Umabot sa 101 pamilya ang naapektuhan ng sunog at pansamantala sila ngayong nakatuloy sa UI Phinma.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, na pasado alas-2 ng madaling araw sumiklab ang apoy sa bahay na pag-aari ng isang guro na pinaniniwalaang naabutan ng lockdown sa Guimaras.

Electrical short circuit ang pinagmulan ng apoy, base sa paunang imbestigasyon ng BFP.

Halos isang oras ang itinagal ng sunog bago nagdeklara ng fire under control ang mga bombero.

Tinatayang umabot sa mahigit P1 milyon ang naiwang pinsala ng sunog.