Iloilo News
15 EMPLEYADO NG ILOILO PROVINCIAL CAPITOL NA NAGPOSITIBO SA COVID-19, FULLY VACCINATED NA


Fully-vaccinated na ang 15 empleyado ng Iloilo Provincial Capitol na nagpositibo sa COVID-19.
Paliwanag ni Provincial Administrator Atty. Suzette Mamon, mild to moderate lang ang mga sintomas na naramdaman ng mga nagpositibo.
Ilan sa mga tinamaan ng sakit ay may sore throat at may flu-like symptoms.
Aniya pa, wala namang nakaramdam ng severe symptoms sa kanila.
Kasalukuyang nasa quarantine facility naman ang mga positive patients.
Temporaryong sinuspinde ang operasyon sa mga opisina sa Kapitolyo hanggang ngayong Miyekules.
Nagsagawa na rin ng disinfection at maximum contact tracing sa Kapitolyo.
Via: Aksyon Radyo
Continue Reading