Iloilo News
MGA TAGA-CAPIZ, POSIBLE RIN NA HINDI PAPASUKIN SA ILOILO CITY — Iloilo City MAYOR JERRY TREÑAS
Nakahanda si Iloilo City Mayor Jerry Treñas na magpatupad ng “travel restriction” sa mga Capizeño sa oras na hindi maayos ng Regional Inter-Agency Task Force ang pagpatupad ni Capiz Gov. Esteban Contreras ng border restrictions.
“Well, I do not know, that will have to be resolved by the Regional IATF. Otherwise kun indi na ma-resolve ti medyo delikado kay ang taga-Capiz siguro ti indi kasulod sa syudad, indi kabakal kag indi man siguro kapangumpra diri. Because whatever they will do to us, I will do to them. Indi man ina pwede nga one way lang. Kon indi kita nila pagpasudlon didto, indi man naton sila pagpasudlon diri,” pahayag ni Treñas.
Maaalala na nagpalabas si Contreras ng Executive Order No. 20-D na nagbabawal sa mga indibidwal mula sa mga lugar na mas mataas ang ‘community quarantine status’ na makapasok sa Capiz.
Mula Agosto 16-31, isinailalim ang Iloilo City sa General Community Quarantine (GCQ) dahil sa local transmission ng COVID-19.
Nananatili naman ang probinsya ng Capiz sa Modified GCQ, mas mababa kung ikumpara sa GCQ.