Iloilo News
16-ANYOS NA BINATA, DI’ NA NAKA-UWI, NATAGPUANG PATAY SA OTON


Patay na nang matagpuan ang 16-anyos na binata sa Brgy. Pulo Maestra Vita, Oton ngayong umaga, Nobyembre 2.
May sugat ang biktima sa kaliwang braso at may dugo ang ilong at ang shorts nito.
Ayon sa ama ng biktima, nakapagsaing pa ang binata ng makakain para sa kanilang hapunan pero hindi na ito nakauwi.
Salaysay naman ng kanyang kapatid, wala umanong nabanggit ang binata na may kaaway ito.
Batay naman sa kaanak at nakakilala sa biktima, may kaaway umano at na-involved sa rambol ang binata.
May suspek na rin ang ama at aniya posibleng kakilala lang ng kanyang anak.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng Oton police kung ano ang motibo sa pagpatay sa binata.
Via: Aksyon Radyo Iloilo
Continue Reading