Connect with us

Iloilo News

2 ‘MALASAKIT’ CENTERS, BINUKSAN NA SA ILOILO

Published

on

2 MALASAKIT CENTERS BINUKSAN NA SA ILOILO

Binuksan na ang dagdag na dalawang Malasakit Centers sa probinsya ng Iloilo kahapon.

Isa dito ang sa West Visayas State University Medical Center sa Jaro, Iloilo City at Western Visayas Sanitarium sa Sta. Barbara, Iloilo.

Ipinahayag ni Ryan Avelino, Assistant Branch Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), na sa ngayon may apat ng Malasakit Center sa Iloilo at dalawa dito ay sa Western Visayas Medical Center sa Manduarriao, Iloilo City at Don Jose S. Monfort Medical Center Extension Hospital sa Barotac Nuevo, Iloilo.

Ang Malasakit Center ay isang One-Stop Shop kung saan pwedeng maka access ang mga indigent patients para makahingi ng financial medical assistance sa mga ahensya ng gobyerno katulad ng Philhealth, PCSO at DSWD.