Iloilo News
2 MATAAS NA OPISYAL NG ILOILO, TUTOL SA PAGBALIK NG KLASE SA AGOSTO
Parehong tutol si Iloilo City Mayor Jerry Treñas at Governor Arthur Defensor Jr. ng Iloilo province sa balik-klase sa Agosto dahil sa patuloy na panganib na dala ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Aminado si Treñas na mas magiging mapanganib kung babalik ang mga estudyante sa eskwelahan pagdating ng Agosto.
“Children will always be children. Whether we like it or not, they will take off their mask, they will start to play with each other. Ang risk syado ka taas,” ani Treñas.
Hindi rin umano masisisi ang mga magulang na nangangamba sa pagpapabalik-eskwela sa kanilang mga anak ngayong panahon ng pandemic.
“Para sa akon ya ang kabataan, kabataan gid na ya. And you are inviting disaster kon magsige ka klase. Kon ang mga parents nga nakulbaan ya, para sa akon they have the very reason to be afraid,” dagdag ni Treñas.
Saad naman ni Defensor, “If it was me, I will forego [school year] 2020. Let us focus on surviving,” nag-aalala umano ang gobernador sa kapakanan ng mga bata na kanyang nasasakupan.
Kamakailan lang ay inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang pagbabalik klase sa antas ng elementarya at high school sa darating na Agosto.