Connect with us

Iloilo News

Kapitan at kagawad, Huli sa pagja-jumper ng kuryente

Published

on

KAKASUHAN ng More Power and Electric Corp (MORE Power) ang Kapitan at isang kagawad sa Barangay Democracia, Jaro matapos nabistong nag-jumper o may ilegal na koneksiyon ng kuryente ang mga ito.

Kinilala ang mga nahulihan ng jumper na sina Kapitan Rex Jalbuena at si Kagawad Elmer Jareño.

Sa operasyon ng MORE Power apprehension team kaninang umaga, nadiskubre ang jumpers sa isang poste na makikita sa tabi lang mismo ng bahay ni Kapitan Jalbuena.

Sa ginawang tracing ng MORE Power, natukoy na ang bahay ni Kapitan Jalbuena ang nakakonektang jumper subalit wala siya sa nasabing lugar nang isinagawa ang crackdown.

Sa patuloy na operasyon laban sa illegal electric connection, may nadiskubreng jumper sa isang parlor na nangungupahan kay Kapitan habang napag-alaman namang pagmamay-ari ito ni Kagawad Jareño.

Inamin naman ng Kagawad na nag-jujumper umano sila ng kuryente.

Aniya, alam naman nito na ilegal ang kanilang ginawa.

Paliwanag pa niya, nag-apply na umano sila ng kuntador ng kuryente subalit hindi pa niya alam ang status ukol rito.

Dagdag pa ng kawagad, ang kakilala niya ang naglakad ng nasabing aplikasyon ng kuntador.

Samantala, pinutol naman ng MORE Power ang ilang jumper at kinumpiska ang wirings at aligator clips at nakatakda namang gamitin ang mga ito bilang ebidensya sa pagsasampa ng kaso laban sa kanila.