Education
5 PAARALAN SA ILOILO PROVINCE, HANDA NA PARA SA FACE-TO-FACE CLASSES — DEPED ILOILO
HANDA NA para sa face-to-learning ang limang (5) paaralan sa probinsya ng Iloilo sa Department of Education-Division of Iloilo.
Pahayag ni Mr. Lionel Salvilla ng DepEd Iloilo, nakaraang taon pang handa ang limang eskwelahan sa Cabatuan, Alimodian, Pototan, Carles at Tubungan para sa pilot ng face-to-face learning.
Ang limang paaralan ay ang mga sumusunod:
• Tomas Confesor Elementary School sa Cabatuan
• Granada National High School Ballesteros Campus sa Carles
• Palanguia National Highschool sa Pototan
• Adgao-Tagpu-an-Ingay Integrated School sa Tubungan
• Cabacanan Elementary School sa Alimodian
Sa ngayon, nag-aantay na lang ang DepEd Iloilo ng “go signal” mula sa Palasyo para sa face-to-face learning.
(With reports from Aksyon Radyo)