Iloilo News
88 NA BAHAY, NASUNOG SA ILOILO CITY
MAHIGIT 100 PAMILYA ang nawalan ng tahanan sa IIoilo city matapos masunugan pasado alas 2 kaninang madaling araw.
Sa huling tala ng Iloilo City Fire Station, 76 mga bahay ang tuluyang naabo habang 12 iba pa ang partially burned sa residential area ng Barangay Ortiz.
Pansamantala munang tumuloy sa evacuation center ang mga pamilyang nasunugan kung saan tinatayang umaabot sa 1 milyon pesos ang naging pinsala nito.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection na pasado alas-2 ng madaling araw sumiklab ang apoy sa bahay na pag-aari ng isang Virginia Galong.
Halos dalawang buwan nang hindi nakauwi sa bahay ang may-ari na pinaniniwalaang naipit sa COVID-19 lockdown sa Guimaras.
Electrical short circuit ang pinagmulan ng apoy, base sa paunang imbestigasyon ng BFP.
Tumagal ng halos isang oras ang sunog bago nagdeklara ng fire under control ang mga bombero.
Karamihan sa mga bahay ay yari sa light materials, dahilan para mabilis na kumalat ang apoy.