Iloilo News
Apela ni Mayor Treñas na GCQ status sa Iloilo City, binasura ng IATF
HINDI INAPRUBAHAN ng National Inter-Agency Task Force (NIATF) ang apela ni Mayor Jerry Trenas na isailalim ang lungsod ng Iloilo ngayong Hulyo 1 sa GCQ status mula sa MECQ.
Ayon sa alkalde, nag-apela siya ng GCQ para maka-recover ang mga negosyo sa lungsod.
Aniya, isinisiguro naman na ipapatupad ang heightened health protocols sakaling ma-aprubahan ang GCQ.
Samantala, naglabas na ng Resolution No. 124 ang IATF na gawing pinal na ang unang inanunsyo na mas pinalawig na MECQ sa lungsod at probinsya ng Iloilo.
Magsisimula ang extension ng MECQ status ngayong Hulyo 1 hanggang Hulyo 15.
Continue Reading