Iloilo News
BORDER CONTROL AT TRAVEL PASS SA PROBINSIYA NG ILOILO, PAPALAWIGIN
IPAPATUPAD pa rin ang border control points at travel pass sa probinsiya ng Iloilo batay kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr.
Ayon kay Defensor, papalawigin ang travel pass hanggang Hunyo 30 para malimitahan ang paglabas sa bahay ng mga non-essential workers para mapigilan ang paglobo ng COVID-19 cases.
Muling nanawagan din ang gobernador sa kooperasyon ng mga residente kaugnay sa restrictions sa mga non-essential travel.
Umaasa naman si Defensor na mapapababa ang transmission ng virus habang pinalawig ang travel restrictions hanggang sa katapusan ng buwan.
Continue Reading