Connect with us

Iloilo News

Border Control Checkpoints ng mga kapulisan sa Iloilo City, binaklas na

Published

on

Binaklas na ang border control checkpoints ng pulisya sa entrance at exit sa Iloilo City ngayong araw, Lunes matapos ipababa ang quarantine measure sa lungsod.

Nasa ilalim na ngayon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Iloilo City mula sa pinaka-mahigpit na quarantine status na ECQ.

Ayon kay Iloilo City COVID-19 team spokesperson Jeck Conlu, magsisimula pa rin ang curfew sa lungsod ng 9:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw.

Samantala, suspendido pa rin inbound travel sa labas ng Panay at Negros Island maliban sa sa mga ROFs, APOR, at returning residents.

Pinapayagan naman ang pagbebenta ng nakalalasing na inumin mula 10:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi habang ipinagbabawal ang pag-inom sa mga pampublikong lugar.

Via Aksyon Radyo

Continue Reading