Connect with us

Iloilo News

BORDER CONTROL POINT NG ILOILO CITY, MANANATILI HANGGANG SEPT. 30

Published

on

BORDER CONTROL POINT NG ILOILO CITY

ILOILO CITY – Mananatili ang border control point ng Iloilo City kasunod ng pinalawig na Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) status hanggang Setyembre 30.

Kinokunsidera ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang paghihigpit sa mga taong mula sa probinsya at mga essentials lang papayagang makapasok sa lungsod.

Isinisuhestyon aniya ng Iloilo City CoViD-19 team na ipanatili ang lahat ng restrictions dahil sa dumadaming kaso ng CoViD-19.

Umapela naman ang alkalde sa mga residente mula sa mga probinsya na may mababang quarantine classification na iwasan muna ang pagpunta sa syudad dahil sa posibleng makakuha ang mga ito ng virus sa syudad at madala sa kanilang lugar.

Ilang araw ng nangunguna ang Iloilo sa Western Visayas sa may pinakamaraming bagong kaso ng CoViD-19 base sa bulletin na ipinalabas ng DOH6.

Parehong isinailalim sa MECQ ang syudad at probinsya ng Iloilo hanggang Setyembre 30.