Iloilo News
BORDER RESTRICTIONS SA PROBINSYA NG ILOILO MULING IPATUTUPAD – ILOILO GOV. DEFENSOR
“Ma-lock kita anay sang borders naton. Indi anay sila makasulod samtang naga-andam kita.” ito ang pahayag ni Iloilo Governor Toto Defensor.
Muling ipapatupad ang border restrictions sa naturang probinsiya para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Batay sa Inter Agency Task Force pipigilan muna sa ngayon ang pagpasok ng mga Locally Stranded Individuals (LSIs) mula sa Metro Manila at Cebu, kung saan may mataas na kaso ng infection.
Pahayag pa ng gobernador, nakipag-ugnayan na si Atty. Suzette Mamon sa mga Provincial Administrators ng Aklan, Antique at Capiz para sa coordination.
Ang maaari lamang na makapasok galing sa ibang probinsiya ay ang mga sumusunod:
* government employees/officials
* may medical emergency
* medical personnel
* residente ng Iloilo City at Guimaras
Magpapatuloy naman ang delivery ng basic services, at negosyo kabilang ang mga delivery trucks mula sa ibang probinsiya.
Ipapatupad muli ang mga checkpoint sa lahat na border sa probinsiya ng Iloilo.