Connect with us

Iloilo News

BROADCASTER NA SI MR. JUN CAPULOT, TATAKBO SA 2022 ELECTIONS SA LUNGSOD NG ILOILO

Published

on

KINUMPIRMA ng broadcaster na si Mr. Jun Capulot na tatakbo siya sa 2022 elections sa lungsod ng Iloilo.

Makakasama ni Capulot ang former Councilors na sina Plaridel Nava at Joshua Alim.

Samantala, hindi pa inihayag ng radio personality kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhan.

Aniya, ipapaubaya niya na lang kay former Councilor Nava ang pagdeklara ng kanilang magiging posisyon.

Ayon kay Capulot, nais niyang ituwid ang pamamalakad sa Iloilo City. Nais niyang magkaroon ng koneksyon sa lungsod para malaman kung ano ang mga nangyayari sa city government.

Paliwanag pa niya, espesyal para sa kanya ang idustriya ng media kaysa sa pulitika. Ngunit aniya, walang mangyayari sa kanyang adbokasiya kung magpapatuloy ang nasa gobyerno.

Sinabi rin ni Capulot na hindi siya magreretiro sa media.

“Tadlungon naton ini ang pang gobyerno sang siyudad, pagkatapos sina, ibalik ta dayon liwat sa mga gusto magserbisyo gid ‘ya nga mga pure nga mga pulitiko. Kay ako sigurado ko, indi ko ‘ya pulitiko, mabalik lang galing ko ‘ya sa radyo liwat,” saad ni Capulot.

Via Aksyon Radyo

Continue Reading